AFP, kinondena ang pagsabog sa Cotabato City

Kinondena ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang nangyaring pagsabog sa Cotabato City.

Nabatid na dalawa ang nasawi habang hindi bababa sa 31 ang sugatan.

Ayon kay AFP Chief of Staff, Lt. Gen. Benjamin Madrigal – ikinukonsidera nila ang pagkakasangkot ng iba pang armed groups sa pagsabog.


Una nang lumilitaw sa mga ulat na ang Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) at ang breakaway group nito na Daulah Islamiya ang nais maghasik ng kaguluhan sa Mindanao.

Hinimok ni Magdrigal sa mga mamamayan ng Cotabato City na maging alert at mag-ingat.

Agad aniya na isumbong sa mga awtoridad ang anumang kahina-hinalang indibidwal o package.

Isinailalim na rin sa lockdown ang Cotabato City at mahigpit ang ipinatutupad na seguridad dahil sa pagsabog.

Sa hiwalay na pahayag, sinabi ni Cotabato City Mayor Frances Cynthia Guani-Hayadi na maituturing na terrorist act ang pagsabog.

Facebook Comments