Asawa ni Batocabe, hinimok ni PRRD na tumakbo sa pagka-alkalde

Kinumpirma ni Pangulong Rodrigo Duterte na hinikayat niya si Gertie-Duran Batocabe, ang misis ng napaslang na si Ako Bicol Party-List Rep. Rodel Batocabe na tumakbo sa pagka-alkalde ng Daraga, Albay.

Babala ngayon ng Pangulo sa mga pumatay sa mambabatas, subukan lang nila na pagbantaan si Gertie at matinding kahihiyan ang igaganti niya sa mga ito.

Sinabihan din ng Pangulo ang mga killer ni Cong. Batocabe na hindi lang sila ang may kakayahang gumawa ng masama.


Hinamon pa nito ang mga pumatay kay Cong. Batocabe ng isang gun duel.

Muli ring tiniyak ng Pangulo na hindi niya hahayaang lumaganap ang political terrorism sa 2019 Midterm elections.

Matatandaang inihatid na sa huling hantungan kahapon ang mga labi ni Cong. Batocabe na dinaluhan ng libu-lubong taga-suporta.

Facebook Comments