AFP, kinumpirma na hindi suicide bombing ang nangyari sa Jolo, Sulu

Sulu – Hindi isang uri ng suicide bombing ang naganap na pagsabog sa loob ng Our Lady of Mt. Carmel Cathedral sa Jolo, Sulu noong Linggo ng umaga

Ito ang nilinaw ni AFP Public Affairs Office chief Col. Noel Detoyato sa gitna ng mga kumakalat na impormasyon kaugnay nito

Batay aniya sa kanilang impormasyon na nakuha mula sa mga nasugatan sa pagsabog sa loob ng simbahan, isang babae ang nagpasok ng isang bag.


Iniwan umano ito sa ika-5 hanay ng upuan sa loob ng simbahan at makalipas ang ilang sandali o bandang 8:28 ng umaga nang mangyari ang unang pagsabog

Habang patuloy naman ang pagsisiyasat sa kung paano naisagawa ang ikalawang pagpapasabog sa harap ng Cathedral.

Hindi naniniwala si Detoyato sa impormasyong sasakyan ang nilagyan ng bomba dahil sa bawal pumarada sa harap ng simbahan.

Facebook Comments