Manila, Philippines – Tiwala ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na sa mga araw — tuluyan na nilang mababawi ang buong lungsod ng Marawi laban sa Maute terror group.
Sa isang interview kay AFP Chief of Staff Gen. Eduardo Año – sinabi nito patuloy silang nagdadagdag ng pwersa sa Marawi.
Ito’y para mabantayan ang mga na-clear na areas ng militar at hindi na makalusot at makagawa pa ng terroristic activities sa lugar.
Sa katunayan anya na-okupa na rin ng militar ang mga lugar kung saan nakapwesto ang mga snipers ng Maute — na nakaka-abala sa pag-abante ng ating tropa.
Ayon pa kay Año – sa ngayon masasabi nilang paubos na ang bala ng mga kalaban dahil sa pinaigting na opensiba ng militar.
Samantala – nagsimula ng makatanggap ng mga “feeler” at “tip” ang Armed Forces matapos mag-alok ng milyong pabuya si Pangulong Rodrigo Duterte laban sa leader ng Abu Sayyaf at Emir ng ISIS sa Pilipinas na si Isnilon Hapilon at sa magkapatid na Abdullah at Omar Maute.
DZXL558