AFP, magdaraos ng interfaith memorial service para sa mga sundalong nasawi sa C-130 plane crash sa Sulu

Magdaraos ang Armed Forces of the Philippines (AFP) ng interfaith memorial service para sa mga sundalong nasawi sa pagbagsak ng C-130 plane sa Patikul, Sulu noong Linggo.

Gaganapin ito alas-3:30 ng hapon bukas sa General Headquarters Canopy sa Camp Aguinaldo.

Kasama sa programa ang pagbibigay ng mensahe ni AFP chief of staff General Cirilito Sobejana, wreath laying ceremony, 21 gun salute at flag retreat.


Matatandaang 49 na sundalo ang nasawi sa plane crash na itinuturing na isa sa pinakamalalang trahedya sa kasaysayan ng militar.

Samantala, 19 pa lamang sa mga nasawing sundalo ang nakikilala.

Facebook Comments