AFP, magsasagawa ng assessment kung pwede pang palawigin ang Martial Law sa Mindanao

Manila, Philippines – Magsasagawa ng Assessment ang Armed Forces of the Philippines (AFP) kung maaring palawigin pa ang Martial Law sa Mindanao.

Ito’y matapos katigan ang Korte Suprema ang nasabing deklarasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa interview ng RMN kay AFP Spokesperson Brig/Gen. Restituto Padilla – aalamin nila kung may basehan pa para pahabain ang batas militar sa rehiyon.


Naniniwala ang AFP na lalong nagiging insipirado ang mga sundalo na gampanan ang kanilang tungkulin na protektahan ang bansa sa anumang uri ng banta sa seguridad.

Kumpiyansa ang militar na maibabalik na sa normal ang sitwasyon sa Marawi City para makabalik na sa residenteng lumikas.

Facebook Comments