Manila, Philippines – Inihayag ngayon ni Armed Forces of the Philippines Spokesman Major General Restituto Padilla na Urban terrain battle ang isa sa mga natutunan ng AFP sa halos 5 buwang pakikipagbakbakan ng Militar sa mga teroristang grupong Maute – ISIS.
Sa Mindanao Hour sa Malacanang ay sinabi ni Padilla na kinakalap pa ngayon ng AFP ang lahat ng datos kaugnay sa bakbakan para kapulutan ng mga aral pero ang pinaka nakikita nilang aral na nakuha ng AFP ay ang pakikipagbakbakan sa urbal terrain o sa lungsod.
Paliwanag ni Padilla, mas sanay ang AFP sa Jungle terrain at malit lang na bilang ang bihasa sa urban battle kaya ito ang kailangan ngayong sanayin ng buong sandatahang lakas.
Sinabi ni Padilla na magkakaroon ngayon ng pagsasanay ang AFP kasama ang US Military para sa urban warfare at nagpahayag narin aniya ng kahandaan ang Australia, China at Russia para dito.
AFP, magsasanay ng urban warfare kasama ang US forces
Facebook Comments