Sunday, March 1, 2026

AFP, mahigpit na mino-monitor ang sitwasyon sa Middle East; tiniyak na wala itong direktibang banta sa bansa

Mahigpit na binabantayan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang sitwasyon sa Middle East kaugnay ng tensyong na nangyayari doon sa koordinasyon sa Department of National Defense (DND) at iba pang ahensya.

Ayon sa inilabas na pahayag ng AFP, ang nangyayaring tensyon ay walang direktibang banta sa teritoryo ng Pilipinas, sa mga Pilipino at sa mga dayuhan sa bansa.

Tiniyak naman ng AFP sa publiko na nananatiling stable ang kondisyon ng seguridad ng bansa.

Hinihikayat rin ng AFP ang publiko na manatiling kalmado at maging vigilante laban sa mga maling impormasyon.

Nakahanda ang AFP sakaling kailangan ng augmentation sa pagpapauwi at crisis response para sa mga Pilipinong naapektuhan ng tensyon sa Middle East.

Facebook Comments