Manila, Philippines – Iniutos na ngayon ni AFP Chief of Staff General Eduardo Año ang pagpapadala ng resulta ng imbestigasyon sa mga AFP Major services kaugnay sa nangyaring friendly fire sa Marawi City.
Nabasa na kasi nito ang resulta ng imbestigasyon makaraang isumite ito ng board of inquiry noong biyernes.
Ayon kay AFP Public Affairs Office Chief Col. Edgard Arevalo, ipauubaya na ni General Año sa mga Major services commanders ang pagtukoy sa mga dapat na gawing adjustments at techniques upang hindi na maulit ang palpak na airstrikes o friendly fire.
Paliwanag ni Arevalo, ang AFP major services kasi ang force providers sa gulo sa Marawi City, ibig sabihin sila ang nag-provide ng aircraft, pilot, maintenance at army personnel.
Kaya naman sila ang tutukoy kung may pagkakamali ang kanilang mga tao.
Ang AFP Major Services na rin ang tutukoy kung may kakasuhan o may iimbestigahang miyembro ng AFP dahil sa pangyayari.
Pero sa ngayon, malabo pa itong malaman dahil ang ginawa lamang ng daw ng binuong board of inquiry ng AFP ay tukuyin ang mga totoong nangyari base sa mga impormasyong nakuha mula sa mga interviewees.
Pagkatapos nito ay may panibagong imbestigasyon pang isasagawa at ito ay gagawin o pangungunahan ng pamunuan ng Philippine Airforce.
DZXL558