Mayroon nang bagong spokesperson ang Armed Forces of the Philippines (AFP).
Ito’y sa katauhan ni Col. Medel Aguilar.
Pinalitan ni Aguilar ang puwestong binakante ni Col. Ramon Zagala na na-appoint bilang bagong pinuno ng Presidential Security Group at Senior Military Assistant to the President ni President Ferdinand Marcos Jr.
Ayon kay Aguilar, mananatiling committed ang AFP sa kanilang trabaho na protektahan at bigyan ng seguridad ang bansa.
Aniya, malayo na ang nagawa ng AFP sa kampanya laban sa mga rebelde kung saan mula sa 89 na guerilla front ay bumaba ito sa 23 ngayong 2022.
Bago maging spokesperson, nagsilbi rin si Aguilar na deputy commander ng Civil Relations Service ng AFP.
Noong 2016 naging spokesperson din siya ng Cebu-based Central Command bago na-designate bilang Philippine Army Provost Marshall noong 2019.
Naging commander din si Aguilar ng 10th Civil-Military Operations Battalion ng 10th Infantry “Agila” Division at commanding officer ng 49th Infantry Battalion ng 9th Infantry “Spear” Division mula 2014 hanggang 2015.
Siya ay mula sa Philippine Military Academy (PMA) Class of 1992.