Bilang ng mga nagpatala sa nagpapatuloy na voter registration, 137,363 na

Kinumpirma ni Commission on Elections (COMELEC) Spokesperson Atty. John Rex C. Laudiangco na umaabot na sa 137,363 ang mga nagpatala sa nagpapatuloy na voter registration.

Kaugnay ito ng idadaos na Barangay at SK Elections sa December 5.

Ayon kay Laudiangco, 77,508 sa mga nagparehistro ay mga kabataan na may edad 15-17


Habang 50,113 ang nasa edad 18-30 at 9,742 ang mga nagpatala na may edad 31 pataas.

202,827 namang aplikasyon para sa paglipat ng lugar, pagpapalit ng pangalan,correction ng entries at iba pa ang naproseso na ng COMELEC.

Ito ay mula sa local at overseas absentee voters.

Facebook Comments