Manila, Philippines – Nasa 25 Billion pesos ang inilaan ng administrasyong Duterte para sa Armed Forces Modernization Program ngayong taon.
Ayon kay House Appropriations Chairman Davao Rep. Karlo Alexei Nograles, sa pamamagitan ng naturang pondo, inaasahan na lalawak pa ang kapabilidad ng Armed Forces kanilang mga military operations.
Ang pondo ay gagamitin para mapalakas ang Air,Land at Sea assets ng Armed Forces na gagamitin bilang pagsugpo sa mga kalaban ng estado.
Kabilang sa mga bibilhin sa 2018 budget ay ang 24 na attack helicopters na nagkakahalaga P13.8 billion isang Fixed Wing Jet sa halagang P2 billion; at isang Turboprop Patrol Aircraft na may presyong P1.8 billion.
9.4 Billion pesos naman ang ilalaan para sa 44 na light attack tanks habang 8 Billion pesos ang budget para dalawang unit ng frigates at tig-iisang unit ng assault vehicle at surveillance radar.