TRASLACION 2018 | Pagtatangal ng cellphone signal, gagawin ng template ng PNP

Manila, Philippines – Gagawin ng Template o taon taon ng ipapatupad ng Philippine National Police ang pagtatangal ng cellphone signal tuwing gaganapin ang Traslacion.

Ayon kay NCRPO Chief Police Director Oscar Albayalde malaki ang naitutulong ng pagkawala ng signal sa pagpapatupad ng seguridad habang isinasagawa ang traslacion.

Sinabi ni Albayalde na mas maiging cellphone signal ang tanggalin sa pagsasagawa ng Traslacion sa halip na gumamit ng signal jammer.


Paliwanag ng opisyal na kapag signal jammer ang gagamitin sa traslacion naapektuhan rin ang signal ng kanilang mga ginagamit na two way radio na mahirap para sa kanila para imonitor ang galaw ng mga deboto.

Posible rin aniyang gawing template ito sa iba pang malalaking events sa bansa pero depende aniya ito sa sitwasyon.

Facebook Comments