AFP muling nanawagan ng kapayapaan sa NPA

Hiling pa rin ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang kapayapaan sa pagitan ng New People’s Army (NPA).

Ito ay sa harap na rin ng patuloy na pagdinig ng senado kaugnay sa isyu ng red tagging.

Ayon kay AFP Chief of Staff General Gilbert Gapay, ang dahilan ng panawagan nyang kapayapaan ay upang mahinto na ang radicalization na ginagawa ng NPA sa pagre-recruit lalo na sa mga kabataan.


Sinabi ni Gapay na lahat ng mga pahayag ng mga dating miyembro ng NPA sa isinasagawang pagdinig ng senado ay patunay na may mga progressive groups ang nagsisilbing front ng NPA para makapag recruit.

Tiniyak ni Gapay na hindi matatapos sa mga ibinulgar ng mga dating NPA ang laban nila kontra sa mga grupong tumutulong sa NPA.

Aniya asahan pa ang mas maraming impormasyon patungkol sa mga aktibistang umanib na sa NPA na posibleng mamatay sa mga military operations.

Giit ni Gapay ang buhay ng mga aktibistang ito ay nakasalalay sa mga front organizations at ilang party list groups sa kamara na tumutulong sa NPA na sa kaso.

Facebook Comments