Lalaki, huli dahil pagbebenta ng droga sa Lucena City

37

Arestado ang isang 52-anyos na lalaki matapos na mahuli sa aktong nagbebenta ng ilegal na droga sa Brgy. Ilayang Dupay, Lucena City.

Kinilala itong si Antonio Vela, caretaker at residente ng Brgy. Ilayang Dupay, Lucena City.


Sa ulat ng Philippine National Police (PNP) Quezon, nagpanggap na buyer ng droga ang isang pulis dahilan para mahuli sa akto ang suspek na nagbebenta ng droga.

Nakuha sa suspek ang isang sachet ng shabu at habang kinakapkapan ng mga pulis nakuha sa pag-iingat nito ang isang North American Arms, Black Widow Caliber 22 Magnum Revolver na walang serial number.

Nakuha rin sa pagkapkap ng mga pulis ang 13 pang sachet ng iligal na droga.

Sa kabuuan, umabot sa 19.59 grams ang nakuhang shabu sa suspek na may Dangerous Drug Board Value na P133,212.00.




Sa ngayon, nakakulong na ang suspek sa Lucena Municipal Police Station at nahaharap na sa kaso.

Facebook Comments