Activated na ulit ang Joint Peace and Security Coordinating Council (JPSCC).
Ayon kay Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Gen. Jose Faustino Jr., napapanahon ang pagpapagana muli ng lupon upang mas maipatupad ang mahigpit na seguridad dahil mas maraming challenge o pagsubok ang kinahaharap ngayon ng bansa.
Focal point para sa AFP si Assistant Deputy Chief of Staff for Operations BGen. Alex Rillera na secretariat ng Chief of Staff at siya ring co-chairman ng JPSCC.
Bukod sa AFP, binubuo rin ang JPSCC ng mga pinuno ng Philippine National Police (PNP) at ngayon ay kabilang na ang Philippine Coast Guard (PCG).
Sinabi ng AFP chief na sa pagdagdag sa lupon ng PCG ay mas mapapaangat ang kapabilidad ng bansa sa pagpapatupad ng maritime law at pagprotekta sa kalikasan.
Hulyo ng taong ito nang nilagdaan ng AFP at PNP ang Resolution Number 11-2021 na siyang nagbibilang sa Coast Guard sa konseho kung saan, ang commandant nito ang isa sa mga co-chairperson nito.