AFP, naghatid ng mga gulay sa Maginhawa Community Pantry

Matapos magkaroon ng hindi pagkakaunawaan sa creator ng community pantry dahil sa isyu ng red-tagging, naghatid ang Armed Forces of the Philippines (AFP) Civil Relations Service ng iba’t ibang klase ng gulay sa Maginhawa Community Pantry.

Mismong mga tauhan ng Philippine Airforce (PAF) at Philippine Army ang nagdala sa tone-toneladang sariwang gulay.

Aminado naman si Maginhawa Pantry Organizer Patricia Non na ikinatakot niya ang ginawang ito ng mga sundalo lalo pa’t may nangyaring sigalot sa pagitan niya at ng ilang opisyal ng AFP sa usapin ng red-tagging.


Gayunman, ayaw na rin umano niyang masayang pa ang kanyang panahon sa walang katuturang bagay.

Ang mahalaga aniya ay ang makatulong sa publiko sa gitna ng nararanasang krisis na dulot ng pandemya.

Facebook Comments