Mga motoristang dadaan sa Skyway Stage 3, wala pa ring babayarang toll fee

Makakadaan pa rin ng libre ang mga motorista sa Skyway Stage 3.

Ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH) at San Miguel Corporation (SMC), hindi muna sila maniningil ng toll fee, ito ay bagama’t naaprubahan na ng Toll Regulatory Board o (TRB) ang halaga ng toll fee sa Skyway Stage 3.

Inihayag naman ni SMC President Ramon Ang na sasaluhin muna nila ang mga gastos sa maintenance ng Skyway Stage 3, hangga’t hindi sila nagpapatupad ng toll fee.


Ang importante aniya ay makapagbigay ng maayos na serbisyo sa mga motorista at sa publiko.

Sinabi pa ni Ang na hangga’t kaya nila ay magkakaloob sila ng tulong, lalo na sa mga frontliner.

Facebook Comments