AFP, nagpaabot ng pagbati sa mga sundalong ama kasabay ng Father’s Day

6

Manila, Philippines – Nagpaabot ng pagbati ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa mga sundalong ama.

Ito’y kasabay ng pagdiriwang ng Father’s Day kahapon.

Ayon kay AFP Chief of Staff, General Eduardo Año – sa kabila ng delikadong trabaho ng pagiging sundalo, maituturing na biyaya o ‘blessing’ ang mabuhay para sa kanilang mga anak.

Nagpapasalamat si Año sa mga sundalo na handang i-buwis ang buhay para sa bayan.

Dahil dito, saludo umano si Año sa mga sundalong ama lalong lalo na ang mga nakadestino ngayon sa Marawi City na isinakripisyo ang kanilang mga oras kasama ang mga pamilya para mapanatiling ligtas at mapayapa ang buong bansa.

Facebook Comments