Mga pilipinong tripulante sa bumanggang merchant at US warship, ligtas ayon sa DFA

18

Manila, Philippines – Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na ligtas ang lahat ng mga filipino crew members ng merchant ship na bumangga sa isang US naval ship.

Ayon sa DFA, naipabatid na sa mga embassy officials sa tokyo na walang pilipino ang nadamay sa insidente.

Sa kabila nito, patay naman ang pitong US navy sailors ng USS Fitzgerald.
Samantala, kinumpirma naman ng US Navy na pito sa kanilang mga nawawalang tripulante ay natagpuan na walang buhay sa loob ng mga compartments mismo ng USS Fitzgerald.

Facebook Comments