Nag-deploy ng medical teams ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Davao.
Ito ay matapos isailalim ang Davao City na “Restricted LGU” dahil sa tumataas na kaso ng COVID-19 na pumalo na sa 5,652 as of November 20.
Kanina, nagkaroon ng send-off ceremony para sa 25-man medical contingent ng AFP sa Villamor Airbase.
Ang contingent ay binubuo ng 5 teams ng military doctors at nurses, medical aides mula sa AFP Health Service Command, Philippine Army, Philippine Navy, at Philippine Air Force.
Pinangunganahan ito ng mga senior officer sa pangunguna ni Major Sheryl Balmeo mula sa Philippine Army Medical Corps.
Bago umalis sakay ng Philippine Air Force C130 aircraft, sumalang sila sa COVID-19 Test.
Magsisilbing dagdag na pwersa ang medial team sa Davao City sa Inter-Agency Task Force (IATF) for COVID-19 para palakasin ang health system capability ng lungsod.
Ang Eastern Mindanao Command (EASTMINCOM) ang mangangasiwa sa operational control ng medical teams.
Samantala, iniulat naman ng AFP na umabot na sa mahigit 2,000 doctors, nurses, at military medical auxiliary ang na-deployed na sa COVID-19 treatment at quarantine facilities ng AFP sa buong bansa.