Handa and Armed Forces of the Philippines (AFP) na magsagawa ng evacuation operation sa Israel kung kinakailangan para matulungan ang mga Pilipinong apektado ng gulo sa pagitan ng Israel at Hamas.
Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni AFP Spokesperson Colonel Medel Aguilar na nakahandang silang tumulong sa humanitarian mission gamit ang kanilang mga military aircraft na C130, at C- 295.
Sinabi ng military officer na naghihintay lamang sila ng direktiba mula kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., kung kailangan nang gawin ang evacuation operation.
Binigyang diin ni Col. Aguilar na ang paghahanda nilang ito ay bahagi ng ng whole of government approach para masiguro ang kaligtasan ng mga OFW at Filipino community sa Israel.
Ayon pa kay Aguilar, ang Adana Airport sa Turkey ang natukoy na ligtas na lugar para sa mga Pilipino kapag na-evacuate mula sa Israel.
Sa kabila nang kahandaang ito, inihayag naman ni Department of Foreign Affairs (DFA) Undersecretary Eduaro de Vega na walang humiling ng repatriation mula sa mga Pilipino sa Israel.