Tatlong pang Pinoy, nawawala sa nagpapatuloy na giyera sa pagitan Israeli forces at Hamas

Tatlong Pilipino pa ang nawawala sa harap ng nagpapatuloy na gulo sa pagitan ng Israeli forces at Palestinian Militant group na Hamas.

Sa press briefing sa MalacaƱang, inihayag ng embahada ng Pilipinas sa Israel na 32 pinoy ang unang naitala nilang nawawala.

Pero 26 rito ay na-rescue na dalawa rito ay sugatan isa ay nagpapatuloy sa pagpapagaling sa ospital habang ang isa naman ay nakauwi na.


Tatlo naman ang missing at dalawa ay kumpirmadong nasawi habang may isang bangkay na bini-verify kung Pilipino.

Tiniyak naman ni Philippine Ambassador to Israel Pedro Laylo Jr. na patuloy ang kanilang ginagawang hakbang para mailagay sa mas ligtas na lugar ang mga Pilipino sa Israel at maibigay ang kanilang mga pangangailangan.

Facebook Comments