AFP, nakapagtalaga na ng 3 election-related incident ngayong araw ng eleksyon

 

Tatlong election related incidents na ang naitatala ng Armed Forces of the Philippines simula kaninang umaga hanggang ngayong tanghali.

 

Ayon kay AFP Public Affairs Office Chief Col. Noel Detoyato, ang 3 insidenteng ito ay ang pagkakaaresto sa isang lalaki sa Brgy. Poblacion Aringay, La union.

 

Kinilala itong si Joy Balaoro, 32 anyos, residente ng Brgy. Naninintan Dolores, Abra, narekober sa kanya ang Kalibre-38 revolver.


 

Sa Ilocos Norte naman naaresto ang isang wanted  person sa loob mismong ng polling center sa Fortunato Daquioag Elementary School sa Marcos, Ilocos Norte.

 

Kinilala itong si Anselmo Mabuti Sr residente ng Daquiaog Marcos, Ilocos Norte.

 

Isa pa sa mga election related incidents na naitala ng AFP ngayong araw ng halalan ay ang shooting incidents sa Jolo, Tipo-tipo Panglima, Estino, Sulu.

 

 

#RMNbantaybalota2019

Facebook Comments