AFP, nakatanggap ng mga bagong emergency quarantine facility

Pinasinayaan kahapon ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Lieutenant General Gilbert Gapay ang bagong Emergency Quarantine Facilities (EQF) sa AFP General Headquarters na donasyon ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Ang EQF na itinayo ng pangangasiwa ng Quezon City Second District Engineering Office, NCR-DPWH, na sinimulan noong August 18 at nakumpleto noong August 31, 2020.

Binubuo ito ng 14 na 40-footer container vans na may tig-apat na kwarto, at mayroong kumpletong healthcare amenities para sa 54 na pasyente.


Nagpasalamat naman si Lt. Gen. Gapay sa pasilidad na dahil makakadagdag ito sa healthcare facilities sa loob ng kampo at malaking tulong ito sa mga sundalo na sumasabak ngayon sa laban kontra sa COVID- 19.

Sa ngayon, 35% ng buong pwersa ng AFP ang tumututok sa pagtugon sa nararanasang pandemya.

Facebook Comments