Nakikiisa ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa bawat Pilipino sa buong mundo sa paggunita ng Human Rights Day.
Ayon kay AFP Public Affairs Office Chief Navy Captain Jonathan Zata, patuloy na itinataguyod ng AFP ang karapatang pantao at mga prinsipyo nito sa paganap ng kanilang tungkulin.
Ito ay sa harap ng COVID 19 pandemic.
Sinabi pa ni Zata ang adoption ng Universal Declaration of Human Rights noong 1948 ay titiyak sa “accountability” ng AFP sa pangangalaga sa karapatang pantao, partikular sa labanan.
Panawagan naman ni Zata sa lahat na makiisa sa AFP sa paglaban sa radikalisasyon at pagsisikap na tapusin na ang karahasan.
Aniya pa ang seguridad ay responsibilidad ng lahat, at sa pamamagitan ng pagkakaisa, ang bawat isa ay palaging maitataguyod ang karapatang pantao.