MPD, nagbabala sa mga tauhan nilang magpapaputok ng baril ngayong Christmas season

Binalaan ng Manila Police District (MPD) ang mga tauhan nito na iligal na magpapaputok ng kanilang baril ngayong panahon ng kapaskuhan.

Ayon kay MPD Dir. Pol. Brig. Gen. Leo Francisco, hindi niya kukunsintihin ang mga pulis na mahuhuli sa illegal discharge of ammunition

Agad aniyang isasalang sa imbestigasyon at mahaharap sa kasong kriminal at administratibo ang mga mahuhuling pasaway at trigger happy na mga pulis.


Mahigpit din sa direktiba sa mga pulis sa Maynila na tutukan ang kampanya laban sa posibleng mga ligaw na bala o illegal firing sa pagsalubong sa Bagong Taon.

Facebook Comments