AFP, nakikiisa sa Amerika sa pag-alala sa mga naging biktima ng 9/11 terrorist attacks

Inalala rin ng hanay ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at maging ng buong mundo ang mga namatay sa trahedyang 9/11 terrorist attacks sa Estados Unidos noong taong 2001.

Ayon kay AFP Spokepserson Col. Ramon Zagala, dahil sa 9/11 terrorist attacks sa Amerika ay nabago ang security environment maging ang international cooperation ng Pilipinas sa paglaban sa violent extremism at terrorism.

Dalawang dekada aniya matapos ang trahedya, nagpapatuloy ang pag-adapt ng Pilipinas sa security landscape at pagharap sa mga banta ng terorismo.


Na-adapt din daw ng bansa ang mga program at may natutunan sa mga karanasan ng Amerika para mas magkaroon ng resilient communities at protektahan ang vulnerable sectors.

Sinabi pa ni Zagala, ang pagkakaroon ng tiwala, respeto at pagiging positibo sa buhay ay isang magandang kontribusyon ng bawat isa para magkaroon ng kapayaan at hindi mangyari ang kahalintulad na terrorist attacks sa Amerika sa bansa.

Facebook Comments