Ilang flights ng Cebu Pacific patungong Dubai, kinansela dahil sa travel restriction doon

Kinansela ng Cebu Pacific (CebuPac) ang ilang flights nila sa Dubai dahil sa paglilimita ng Dubai Civil Aviation Authority sa departure ng mga pasahero patungong Manila mula sa Dubai, UAE.

Layon nito na maiwasan ang pagdagsa sa Dubai Airport ng mga pasaherong patungong Manila.

Kabilang sa kinansela ng CebuPac ang flight 5J 26 (Manila – Dubai) sa September 12 gayundin ang flight
5J 27 (Dubai – Manila) o ang Bayanihan flight sa September 13.


Ang Bayanihan flight ay special commercial flight ng CebuPac sa mga pasaherong stranded sa Dubai matapos ang ilang buwang travel restriction ng Pilipinas sa UAE at 9 na iba pang mga bansa na may mataas na kaso ng Delta variant.

Facebook Comments