Nakikisa rin ang buong hanay ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa selebrasyon ng Eid’l Adha o Festival of the Sacrifice ngayong araw.
Ayon kay AFP Spokesperson Captain Jonathan Zata, bukas patuloy na nakakaranas ng pagsubok ang lahat, hangad daw ng pamunuan ng AFP para sa lahat ng mga kapatid na Muslim na mas lalo pang mapalakas ang pananampalataya sa Diyos upang patuloy na tumulong sa mga taong nangangailangan.
Aniya ang ginawang pagtulong ng mga kapatid na Muslim sa mga survivors sa bumagsak na C-130 plane sa Patikul, Sulu ay nagpapakita lang na isinasabuhay ng mga kapatid na Muslim ang totoong pananampalataya sa Diyos.
Kaya naman muli nagpahayag ng taos pusong pasasalamat ang AFP sa kabutihan ng mga kapatid na Muslim at hangad ng AFP na kanila itong ipagpatuloy kaugnay na rin sa mapayapang selebrasyon ng Eid’l Adha.