AFP, namataan ang 2 barkong pandigma ng China sa Basilan Strait

Kinumpirma ng Naval Forces Western Mindanao ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang presensya ng dalawang barkong pandigma ng China sa Basilan Strait kahapon.

Ayon sa AFP, natukoy ang dalawang People’s Liberation Army (PLA) Navy vessels na ang isa ay training ship na may bow number 83 at isang amphibious transport dock na bow number na 999 na dumaan sa Basilan Strait sa loob ng Zamboanga Peninsula.

Dahil dito, agad na dinispatsa ng AFP ang BRP Domingo Deluana para i-monitor ang pagdaan ng dalawang PLA Navy vessels.


Nag-isyu rin ng standard challenge ang barko ng bansa sa naturang Chinese warships.

Tugon naman ng mga barko ng China, nagsasagawa lamang sila ng normal navigation sa kanilang last port of call sa Dili, Timor Leste papunta sa Dalian, China.

Nabatid na Basilan Strait ay kinikilala bilang international passage of vessels ng iba’t ibang mga bansa.

Facebook Comments