Alegasyon na posibleng may impluwensya ang POGO sa mga korte sa Pilipinas, iniimbestigahan na ng Supreme Court

Iimbestigahan na ng Korte Suprema ang mga alegasyon na posibleng naimpluwensiyahan na ng mga indibdiwal na nasa likod ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) ang mga korte sa bansa.

Ito ay kasunod ng pahayag ni Senator Sherwin Gatchalian na maaaring may impluwensya na sa hudikatura ang mga Chinese syndicate.

Ayon kay Supreme Court Spokesperson Atty. Camille Ting, mag-iimbestiga ang SC kaugnay rito.


Una nang sinabi ni Gatchalian na posibleng may tao sila sa mga korte kaya natitimbrehan agad ang mga ginagagawang pagsalakay sa mga iligal na POGO.

Facebook Comments