AFP, nanawagan ng centralized coordination sa ilang ahensya ng gobyerno

Umapela ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa ibang ahensya ng gobyerno na mas makakabuti kung centralized coordination na ang gawing pagresponde sa mga sinalanta ng Bagyong Ulysses.

Ayon kay AFP Spokesperson Major General Edgard Arevalo, bagama’t patuloy sila sa pagtugon sa mga panawagan, hindi nila kakayaning puntahan para sagipin ang lahat ng residenteng binaha at na-stranded sa kani-kanilang bahay.

Sa ngayon, nagpadala na sila ng military trucks at rubber boats pati na rin ang disaster response teams sa mga lugar na binaha.


Patuloy rin silang nakikipag-ugnayan sa Local Disaster Risk Reduction and Management Offices para malaman kung saan pinaka-nangangailangan ng tulong.

Facebook Comments