Ilang celebrities tumulong na rin sa mga sinalanta ng Bagyong Ulysses

69

Tumulong na ang ilang celebrity sa pagsagip ng ilan nating kababayan na na-stranded sa kani-kanilang mga bahay dulot ng Bagyong Ulysses.

Hindi na nagdalawang-isip ang mag-asawang Jericho Rosales at Kim Jones na lumabas upang saklolohan ang mga na-trap na indibidwal gamit ang kanilang surfboard.


Ginamit naman ng aktres na si Angel Locsin ang kanyang official Facebook account para i-share ang ilang nanghihingi ng saklolo para maka-abot sa mga otoridad.

Ibinahagi naman ni Dingdong Dantes, Maine Mendoza at Anne Curtis sa kani-kanilang Instagram story ang listahan ng mga emergency numbers na pwedeng tawagan ng ilang apektadong residente.

Habang ang iba naman ay nanalangin na lamang para sa kaligtasan ng lahat.

Facebook Comments