AFP, nanawagan sa publiko na huwag magpakalat ng maling impormasyon kaugnay sa mga nagyayaring kaguluhan sa bansa; VP Leni, nagpaabot ng pakikiramay sa mga kaanak ng nasawi sa Resorts World Incident

Manila, Philippines – Nanawagan ngayon ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa mga mamamayan na huwag magpakalat ng maling impormasyon hinggil sa nangyayaring kaguluhan sa bansa partikular sa ginawang pag-atake sa Resorts World Manila noong Biyernes sa Pasay City na ikinamatay ng 38 katao kabilang na ang gunman.

Sa interview ng Biserbisyong Leni kay AFP Public Affairs Chief Edgard Arevalo – sinabi nito na pag-isipan munang maigi bago mag-post ng kung ano-ano sa social media na ang karamihan ay nagdudulot ng takot at pangamba sa publiko.

Giit pa ni Arevalo, magtiwala lamang ang mga mamamayan sa security forces ng pamahalaan kung saan ito lamang ang makakatulong upang masugpo ang mga plano o balak na maghasik ng kaguluhan sa bansa.


Kaugnay nito, nagpa-abot naman ng pakikiramay ang Ikalawang Pangulo sa pamilya ng nasawi sa traherdya sa Resorts World at hiling din nito sa mga otoridad na tapusin agad ang imbestigasyon para malaman ang totoong nangyari.

Nakikiramay din si VP Leni sa mga pamilya ng sundalo at pulis na namatay sa pakikipaglaban sa mga terorista sa Marawi City.
DZXL558

Facebook Comments