Ipagtatanggol ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang soberenya ng Pilipinas.
Ito ang binigyang diin ni AFP Western Command Commander Vice Admiral Alberto Carlos kasabay ng ika-7 anibersaryo ng arbitral ruling ng Permanent court of arbitration na pumapabor sa Pilipinas sa West Philippine Sea.
Ayon kay Carlos, patuloy na poprotektahan at itataguyod ng Sandatahang Lakas ang bawat teritoryo ng bansa.
Sinabi pa ng opisyal na walang palya ang tropa ng pamahalaan sa pagtataas ng watawat ng Pilipinas sa West Philippine Sea upang panindigan at ipaglaban ang ating teritoryo.
Kasunod nito, umaasa ang AFP na igagalang ng lahat ng bansa ang 2016 PCA ruling upang magkaroon ng mapayapa at maipatupad ang freedom of navigation sa WPS.
Facebook Comments