AFP, nanindigan na lehitimo ang ginawang pag aresto sa 60 katao sa Bacolod at Maynila

Nanindigan ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na walang harassment na nangyari sa pag-aresto sa 60 aktibista sa Bacolod at Maynila.

Ayon kay AFP Spokesperson, Brig/Gen. Edgar Arevalo, ang mga pag-aresto ay alinsunod sa mga inisyung warrant ng Korte.

Itinanggi rin ni Arevalo ang pahayag ng mga aktibista na tinaniman sila ng ebidensya ng mga awtoridad na bahagi ng ‘tanim ebidensya modus.’


Giit ng AFP, bagamat mga lehitimong organisasyon ang mga ito, hindi pa rin sila exempted sa legal processes.

Nitong October 31, nagkasa ng raid ang CIDG Region 6, Philippine 3rd Infantry Division, Joint Task Force Negros, at Negros Occidental Police Provincial Office ang mga opisina ng mga militateng grupong kilusang Mayo Uno, Gabriela Negros Center, at Negros Federation of Sugar Workers.

Nitong Martes, inaresto ng pinagsamang operatiba ng PNP ang tatlong aktibista mula sa tanggapan ng Bagong Alyansang Makabayan sa Tondo, Maynila.

Para sa Makabayan Bloc ng Kamara, maituturing itong crackdown sa mga kritiko ng Administrasyon.

Facebook Comments