AFP, nanindigang walang intelligence lapses kasunod ng nangyayaring gulo sa Marawi City

Marawi City, Philippines – Iginiit ng pamunuan ng Armed Forces of the Philippines na walang intelligence failure ang militar kung kayat nakapanggulo ang Maute Group sa Marawi City.

Ayon kay AFP Public Affairs Office Chief Col. Edgard Arevalo, nagkaroon ng sagupaan sa lugar matapos na magsagawa ng law enforcement operation ang tropa ng gobyerno nang mamonitor ang presenya ng asg leader na si Isnilon Hapilon sa lugar.

Pero pagsapit sa Marawi City ay dito na nila nakasagupa ang Maute Group dahilan nang pagkamatay ng tatlong miyembro ng tropa ng pamahalaan at pagkasugat ng 12 pa.


Ibig sabihin nito, ayon kay Arevalo ay hindi totoong inatake ng Maute Group ang Marawi City katulad ng mga napapabalita.

Nangangahulugan din ito na walang intelligence lapses sa kanilang panig.

Kanina una nang kinumpirma ni Arevalo na 50 miyemrbo ng Maute Group ang nanatili ngayon sa Marawi City at inukopa ang ilang gusali sa nasabing lungsod habang patuloy na nakikipagsagupa sa tropa ng pamahalaan.
DZXL558

Facebook Comments