AFP, naniniwalang ubos na ang stragglers sa main battle area sa Marawi

Manila, Philippines – Naniniwala ang Armed forces of the philippines na wala ng stragglers sa main battle area sa Marawi City.

Pero ayon kay AFP Public Affairs Office Chief Marine hindi pa rin sila nagpapakampante dahil posibleng may mga nagtatago pa sa basement o sa mga lugar sa main battle area na pwede nilang pagtaguan.

Ang mga ito aniya ay posibleng naghahanap lamang ng pagkakataon para makatakas.


Paliwanag naman ni Arevalo na kung ubos na ang mga stragglers sa Marawi wala na aniyang maririnig na putukan at makakapag-focus na ang militar sa isinasagawang clearing operation.

Sa ngayon naghahanda na rin aniya ang militar sa isasagawanh malawakang rehabilitasyon at konstruksyon sa lungsod ng Marawi.

Facebook Comments