Grupong BAYAN, magsasampa na rin ng kaso laban sa mga dating opisyal ng DOTr

Manila, Philippines – Magsasampa na rin ng kaso sa Ombudsman ang grupong Bagong Alyansang Makabayan o bayan laban kay dating DOTr Emilio Abaya, ilang dating opisyal ng ahensya at pribadon indibidwal.

Ayon kay Renato Reyes, Secretary General ng BAYAN, malabnaw ang naunang kaso na isinampa sa Ombudsman ng bagong pamunuan ng DOTR laban sa mga dating opisyal ng DOTr dahil hindi tumutukoy sa mga maanomalyang transaksyon sa maintenance ng MRT na dahilan ng kinakaharap na krisis sa railway system ng bansa.

Sinabi ni Reyes na inihahanda na ng kanilang mga abogado ang complaint na ihaharap nila sa Lunes.


Facebook Comments