Manila, Philippines – Nilinaw ng Pamahalaan na walang ipinatutupad na total lock down sa Lanao de Sur.
Ayon kay AFP spokesman Brig. General. Restituto Padilla, mas magandang wag gamitin ang salitang locked down dahil hindi naman ito ang kanilng ipinatutupad sa lalawigan.
Paliwanag ni Padilla, nagsasagawa lang sila ng masusing inspeksyon sa mga taong lalabas at papasok sa Marawi City at iba pang lugar na pinuntahan ng mga apektadong residente.
Ipinatutupad aniya ito para matiyak na hindi sila malulusutan ng mga terorista na posibleng magpaggap na residente at apektado ng gulo.
Sinabi pa ni Padilla na mayroon silang ipinatutupad na pamamaraan upang matiyak na talagang residente ang kanilang pinalalampas sa mga check-point patungo sa iligan City at iba pang lugar.
Maliban sa mga checkpoints ay nangangatok din aniya sila sa mga kabahayan upang Makita kung wala nang mga residente na natitira bago sila magsagawa ng full military operation sa lungsod.
DZXL558, Deo de Guzman
AFP, nilinaw ang mahigpit na ipinatutupad na seguridad sa Marawi City
Facebook Comments