AFP Northern Command, pinawi ang pangamba ng publiko hinggil sa pagpasok ng Maute Terror Group sa bahagi ng Northern Luzon

Northern Luzon – Pinawi ni Brigadier General Milfredo Milegrito, Deputy Commander ng Armed Forces of the Philippines Northern Luzon Command, ang pangamba ng publiko hinggil sa posibleng pagpasok dito ng Maute Terror Group matapos tumakas ang ilan sa mga ito sa Marawi City .
Ayon kay General Milegrito, tuloy-tuloy ang ginagawa nilang monitoring at intelligence gathering at wala silang natatanggap na mga impomasyong may naka-pasok na Maute sa Northern Luzon.

Nakikipag-ugnayan na rin sila sa mga kapulisan sa buong Northern Luzon ayan ay upang matiyak at mabantayan ang kanilang na sasakupan laban sa mga teroristang naghahasik ng kaguluhan ngayon sa Marawi City.

Hiniling naman ng heneral na maging mahinahon ang publiko dahil wala naman aniyang dapat ipangamba hinggil sa bagay na ito.


Facebook Comments