Nakahanda ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na irekomendang bigyan ng amnestiya ang mga mag babalik-loob na miyembro ng New People’s Army (NPA).
Ayon kay AFP Spokesperson Col. Medel Aguilar, nakikita nila ito bilang bahagi ng mapayapang solusyon upang tuluyang mawakasan ang insurhensa sa bansa.
Sinabi pa ni Aguilar, 1,800 nalang ang natitirang miyembro ng NPA mula sa 24,000 noong dekada ’80.
Sa ngayon aniya ay nakamit na nga AFP ang strategic victory laban sa mga teroristang komunista at nagi-isa na lamang ang aktibong NPA Guerilla front na nag-o-operate sa Northern Samar.
Para aniya makamit ang total victory, kailangang buwagin ang politico-military structure ng CPP-NPA-NDF upang wala na silang kakayahan na makapanggulo sa mga komunidad.