PBBM, muling pangungunahan ang sectoral meeting ngayong umaga sa Malacañang

Pinangungunahan ngayon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang lingguhang sectoral meeting sa Malacañang.

Tuwing Martes isinasagawa ang sectoral meeting na kung saan ay ang kalihim lang at mga pinuno ng attached agencies nito ang ipinatatawag para masusing pag-usapan ang mga update kaugnay sa usad ng mga proyekto ng kinauukalang departamento.

Sa ngayon ay wala pang inilalabas na impormasyon ang Malacañang sa kung anong departmento ang ipinatawag ng pangulo para sa cluster meeting ngayong linggong ito.


Nang nakaraang linggo ay Department of Budget and Management (DBM) ang humarap sa Punong Ehekutibo at nagbigay ng update tungkol sa National Government Rightsizing Program o NGRP.

Sa nasabing pulong ay binigyang diin ni Pangulong Marcos na ang pokus ng NGRP ay pag-aralan at repasuhin ang mandato ng mga tanggapan na nasa ilalim ng executive branch.

Facebook Comments