AFP: Pagdaan ng monster ship ng China sa Bajo de Masinloc, maituturing na ICAD

Parte ng ICAD o illegal, coercive, agressive at deceptive activities ng China ang pagdaan kamakailan ng monster ship nito sa Bajo de Masinloc.

Ayon kay Armed Forces of the Philippines (AFP) Spokesperson Colonel Francel Margareth Padilla, na habang hinaharap ang mga aksyon ng China sa West Philippine Sea (WPS) ay patuloy lang nilang paiigtingin ang mga hakbang sa karagatan sa pamamagitan ng malawakang kooperasyon sa mga like-minded nations.

Matibay rin aniya ang kanilang pangako sa pagtatanggol sa soberenya ng bansa at mapangalagaan ang interes ng Pilipinas sa rehiyon.


Facebook Comments