Bayan ng Cagwait sa Surigao del Sur, niyanig ng 4.8 magnitude na lindol

Niyanig ng magnitude 4.8 na lindol ang katimugang bahagi ng Surigao del Sur.

Na-monitor ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang lindol bandang alas-12:17 ng tanghali.

Natunton ang episentro nito 10 kilometro sa Timog-Silangang bahagi ng Cagwait, Surigao del Sur.


May lalim itong 24 kilometro at tectonic ang pinagmulan.

Naramdaman ang intensity I sa lungsod ng Bislig, Surigao del Sur.

Wala namang inaasahang mga pinsala at aftershocks sa lindol.

Facebook Comments