AFP, patuloy na ibineberipika ang mga ulat patungkol sa umano’y tangkang distabilisasyon sa pamahalaan

Sa panayam na ginanap sa Camp Aguinaldo sinabi ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Spokesperson Col. Francel Margareth Padilla na patuloy nilang ibiniberipika ang mga ulat patungkol sa umano’y tangkang distabilisasyon sa pamahalaan.

Ayon pa sa kanya, inaalam ng ahensya ang katotohanan sa nasabing umugong na balita.

Muling iginiit ni Padilla na nananatiling buo at matatag ang AFP kasunod ng umano’y ulat na distabilisasyon.

Samantala ayon pa kay Padilla, patungkol sa mga kasamahan na nagbabalak sumali sa rally, sinabi nito na ginagalang nila ang freedom of speech ng mga kasamahan nila sa serbisyo ngunit dapat sundin ang umiiral na patakaran at polisiya ng AFP.

Kaugnay nito, pinaghahandaan na rin ng AFP ang mga kilos protesta na posibleng may ibang layunin.

Facebook Comments