AFP, Patuloy na kinukumpirma ang pagpugot ng Abu Sayaff Group sa German National

17

MANILA, PHILIPPINES – Patuloy pa rin ang pagberipika ng AFP sa ulat na pinugutan na ng Abu Sayyaf Group ang bihag nilang German National na si Juergen Kantner.

 

Ayon kay AFP Public Affairs Office Col. Edgar Arevalo – mahigpit na nilang kinukumpirma ang nasabing balita.

 

Dagdag pa ni Arevalo – isinasagawa pa rin ang search and rescue operations sa mga lugar na maaaring pinagdalhan sa bihag.

 

Nabatid na nagbigay pa ng deadline ang bandidong grupo na hanggang alas-3 ng hapon ng linggo kapag hindi makapagbigay ng ransom German National na bihag ay kanila na itong tutuluyan.



Facebook Comments