Siniguro ni AFP Chief of Staff General Felimon Santos na hindi maapektuhan ang kanilang regular na peace and security operations sa ipatutupad na “community quarantine” sa Metro Manila.
Ayon kay Chief of Staff, maaga pa lang ay inutos niya na sa iba’t-ibang units na bumuo ng mga contingency measures kung sakaling magre-redeploy sila ng mga tropa para sa “community quarantine”
Kabilang, aniya, sa pinaghandaan nila ay ang “availability” ng units at personnel, emergency medical teams at critical logistics at supplies.
Pagtitiyak ni Santos, may “available personal protective equipment” para sa mga sundalo at personnel na maatasang tumulong sa Philippine National Police (PNP) sa pagapapatupad ng mga quarantine checkpoint.
Handa rin, aniya, ang Armed Forces of the Philippines o AFP na tumulong sa Department of Health o DOH at iba pang ahensya ng gobyerno na kabilang sa Inter-Agency Task Force on the Management of Emerging Infectious Diseases para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19 sa bansa.