Marawi City – Nababahala ang Pamahalaan sa mga natatanggap na impormasyon na na ginagamit ng Maute group ang mga batang bihag nito sa bakbakan.
Batay kasa sa impormasyong mula sa mga nakatakas na bihag ay binibigyan ng terorista ang mga bata para sumama sa kanilang pakikipagbakbakan laban sa Militar.
Ayon kay Armed Forces of the Philippines Spokesman Brigadier General Restituto Padilla, ginagawa ng militar ang lahat ng dapat gawin para mailigtas ang mga bihag ng mga Maute.
Pero sakali aniyang makaharap ng mga ito ang mga armadong bihag ay hanggang maaari ay ididisable lang nila at hindi papatayin para mailigtas din ang mga bihag.
Ikinwento pa ni Padilla na pinapatay ng Maute ang mga bihag na hindi sumusunod sa kanilang iniuutos.
Wala din namang bilang na maibigay si Padilla kung ilan ang mga bata na ginagamit ng Maute sa bakbakan pero kabilang na aniya ang mga ito sa nasa 80 hanggang 100 kalaban ng estado sa Marawi.
Possible din naman aniya na ang ilan sa mga bata na nakikipagbakbakan sa lungsod ay matagal nang sinanay ng mga terorista at posibleng anak pa ang mga ito ng mga miyembro ng Maute group.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558